Baguio: Daanan papunta sa Bontoc, Mt. Province, sarado parin

0
1

Mt. Province – Ang Halsema Highway daanan papunta sa Sagada, Mt. Province at sentro ng Mt. Province na Bontoc ay sarado pa rin. Di pa gaano maalis mga tipak na bato nag-sara sa daanan papunta Mt. Province. Sa dahilan na tuwing hapon ay umuulan parati simula ng nagkalindol. May mga parti ng Cordillera na makapal ang hamog kung saan di na makatuloy na maglinis ang mga ahesinsiya ng Gobyerno at volunteer sa gumoho na lupa at bato mula sa bundok.

Visit RPN DZBS Baguio

May isang daanan papunta sa Sagada. Mt. Province pero ito ay madadagdagan ng dalawang oras na iikot mula sa Mankayan, Benguet papunta sa Cevantes Iloco sur via Tadian. Mt. Province. Ang kalye dito’y di gaano apektado sa paglindol, may mga nahulog na lupa at bato subalit nalinis naman agad.

Sa isang paabiso ng DPWH-CAR sarado pa ang naturang kalsada para makaiwas ng aksidente. Ang mga turista na nagmula sa Banaue, Ifugao at nakakarating sa Sagada pero di sila makapasok sa Sumagiung cave kasi ito’y pinasarado ng local Government of Sagada.

May mga ibang kabundokan din puede mga turista na puntahan na puedeng paglipasan ng gabi. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Mt. Province)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here