Baguio: Congressman Maximo Y. Dalog Jr. nanawagan na suportahan ang kanyang panukala batas na House Bill 448

0
2

Mt. Province – Si Mountain Province Congressman Maximo Y. Dalog Jr. ay nanawagan sa lokal na gobierno ng Mountain Province na suportahan ang kanyang panukala batas na House Bill 448. Ang house bill no. 448 ay ang pagtatag ng Mountain Province Cultural Center at Museum, sa layon nito at ang pagbibigay ng pondo sa nasabing proyekto.

Visit RPN DZBS Baguio

Habang isinusulat ang balitang ito, ang nasabing panukalang batas ay binibigyan nang pansin sa mababang kapuluan.

Ayon kay Dalog, ang panukalang Cultural Center ng Mountain Province ay masisilbing taguan ng lahat ng tinatawag na cultural memorabilies, artifacts at maging ng intellectual properties.

Ang nasabing panawagan ng nasabing kongresista ay kanyang sinabi sa paggunita ng Indigenous o IP day sa Multi –purpose hall building sa Bontoc. Kaalinsabay niyan ang kanyang panawagan din sa pagkakaroon ng Regional Autonomy.

Agad namang ito tumanggap ng suporta ni Mountain Province Governor Bonifacio C. Lacwasan Jr. na nagsabi na kanyang susuportahan ang panukula ng nasabing Kongresista.

Anya ito ang magandang pamana natin sa ating mga anak at sa mga darating na henerasyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Mt. Province)

Leave a Reply