Baguio: Concrete mixer nahulog isa patay na trabhador ito’y menor de edad

0
0
(credit toPIO Benguet Pro-cor

(Sablan, Benguet) Isang malagim na pangyayari sa Bayabas, Sablan Benguet ang naganap, na ang concrete mixer ay nahulog at nadaganan ang isa nitong trabador na menor de edad at namatay. May mga kasamahan na pareho din nga menor de edad subalit sila’y nakaligtas sa kamatayan.

Sa parating pag-uulan at pagkatapos ng lindol, ang daanan ay medyo malambot at di namalayan ng dryber na ang paradahan ng concrete mixer ay malambot na lupa at ito’y nahulog nadaganan ang mga nagtratrabaho. Ito’y nangyari hapon ng Lunes Hulyo 4, 2022. Ang namatay ay may gulang na 16, ganoon din ang mga kasamahan ay menor de edad din na may taong 16 hanggang 17 taon gulang.

Bali sampung talampakan ang napaghulogan ng concrete mixer kargado ng ibubuhos sana ng mangyari ang aksidente. Ang mayor ng Sablan Benguet na si Mayor Alfredo Dacumos Jr., ay kanyang pinasisiyasat ang pangyayari pagkadamay ng menor de edad. Di pinapayagan ng Local na Gobyerno ng Sablan ang ganitong paraan na ang mga menor de edad ang kukunin na mga tauhan ng isang contractor. Ang pulis Sablan ay kasalukuyan nag iinbestiga sa nasabing pangyayari. (RPN-BAGUIO/ JOEL CERVANTES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here