Baguio City: Unti –unti nang nagkakaroon ng kamalayan ang mga mamamayan ng lungsod ng Baguio tungkol sa HIV-AIDS

0
10
photo courtesy of PIO BAGUIO

Baguio CityAyon ito kay City Health Officer Celiaflor Brillantes sa ginanap na kapihan sa triage sa bakuran ng Baguio Convention and Cultural Center noong biernes ng umaga. Napansin niya ito noong nakaraang Summer na kung saan ay nagtalaga sila ng isang pangkat ng health workers sa Session Road in Bloom upang hikayatin ang madla na magpa HIV testing.

Sa kanyang pagkagulat, medyo marami rin ang nagpatest hindi lang taga maynila kundi sa kalapit na lugar sa hilagang Luzon. Samantala, hindi lamang ang mga health workers ang kanilang gustong ipasuri kundi ang pangkahalatan na. Ang ibig sabihan mas bata pa sa labing limang taon gulang hangang pataas. Nais din nilang anyang itutok ang kanilang pansin sa mga kabataan, meaning mga senior high school at mga college students na maaring sexually active. May pagkakataon na ang mga ito na makakuha ng HIV. pero habang maaga pa lang ay kanya silang hinihikayat na humingi ng payo at magpasuri na upang makaiwas sa naturang sakit.

Kung mayroon man, kanilang inimumungkahi ang gamutan upang mabawasan ang paglala.Kanyang inimumungkahi ang matagalang gamutan upang hindi magkaroon ng impeksyon.Anya kalimitan anya sa mga namamatay sa naturang sakit ay dahil sa impeksyon o kumplekasion tulad ng tuberculosis at ng iba pang klaseng sakit. Nangunguna sa kampanya laban sa HIV –AIDs ay ang Department of Health at ang mga Health Centers sa buong kapuluan.Sinabi ni Brillantes na may pondo ang pamahalaang national sa pagsugpo ng HIV-AIDS na ipinakalat na sa lahat ng panig ng bansa.

Ayon sa datos nakuha ng RPN news, lumalabas na mas maraming lalaki ang nagkakaroon ng HIV kaysa sa babae.Sa lungsod ng Baguio, nakapagtala ang City Health Services office ng 125 kalalakihan at 8 ang kababaihan ang may hinihinalang may HIV sinundan naman yan ng iba’t ibang probinsiya sa CAR region sa bilang na 39 at 70 sa Non Car na mga probinsiya.

Kanya ring sinabi na 185 katao ang sumasailalim sa gamutin sa naturang sakit. Ang pagsasagawa ng kapihan sa Triage area ng Baguio Convention and Cultural Center ay kaugnay sa paggunita ng International AIDS Candlelight memorial na may temang We Remember, We Rise and We lead. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

source: PIA-CAR

Leave a Reply