BAGUIO CITY: Pulis ng Mountain Province nabawi ang naiwang nalagareng Palo China O 𝐏𝐢𝐧𝐞 𝐋𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫 sa Barlig at Tadian

1
38
(Credit to PIA -CAR)

 

(Baguio City-Tadian, Mt. Province) Natagpuan ng mga tauhan ng  Mountain Province Police Provincial Office ang may kabuang halaga ng illegal nalagareng pine lumber na nagkakahalaga ng  Php10,950.00 sa magkahiwalay na operasyon sa  Barlig at Tadian, Mountain Province noong nakaraang Mayo 24 at a 25, ng taong ito.  Sa  Barlig, kasunod ng  intelligence report, mula sa tauhan ng Barlig Municipal Police Station nagsagawa sila ng imbestigasyon at nakumpirma nila na may presensiay ng nalagareng kahoy. 

 

Kanilang nabawi ang may kabuaang 108 board feet, na nagkakahalaga ng Php5,940.00. Sa kabilang dako  sa Tadian, ang mga tauhan ng  Tadian Municipal Police Station (MPS), at sa pakikipag ugnayan sa Central Environmental Natural Resources Office (CENRO) ng  Sabangan at ng mga opisyal ng  Barangay Dacudac. Kanilang nadiskubre ang tinatayang  167 board feet ng illegal kahoy na nagkakahalag ng Php 5,010.00. Nasa kamay ng  CENRO-Sabangan at ng Municipal Environment and Natural Resources ng Barlig ang nasabing mga kahoy. Ang mga pagsisikap na mahanap ang mga may ari ay hindi nagtagumpay. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIA-CAR)

         30 –

 

1 COMMENT

Leave a Reply