(Baguio City) Ang pamahalaang lungsod ng Baguio ay nagbigay ng donasyong a bagong pamatay sunog na truck sa Baguio City Fire Station kahapon. Ito ay kaugnay sa pagdiririwang ng Fire Prevention Month ngayong taon. Ang bagong pamatay sunog na truck ay sa pagkukusa ng pamahalaang lungsod ng Baguio. Ayon sa ulat ang DILG ay inaasahan na magbibigay pa ng karagadagang dalawa pang bagong pamatay sunog na truck para sa lungsod ng Baguio. Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si City Fire Marshal FSUPT Marisol Odiver sa mga opisyal ng lungsod para sa bagong pamatay sunog na truck dahil ito ay makakatulong sa kakayahan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protecion sa pagtugon sa anumang uri ng sunog. Kasabay nito, nanawagan si Odiver sa publiko na maging maingat at maging responsible sa bawat aksyon na maaring magresulta sa mapanirang sunog. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
– 30 –
