(Baguio City- Itogon, Benguet) PJ LLullier gold buying division bumibili na ng ginto sa mga Small scale miners ng itogon. Ito ang napag alaman ng RPN news sa mga taga Planet Gold Philippines, isang non government organization na nagnanais na gawin ang small gold mining na ligtas, malinis at kumikita. Ang kinatawan ng PJ llullier Gold buying division na binibining Rose Ferrer ang namumuno sa pagbili ng ginto doon. Samantala, sinabi ng mga small scale miners na kahit na gusto nilang magbenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas, marami itong hinihiling requirements. Habang sa black market, basta magdala ka lang ginto, mabilis ang bentahan.At kung minsan may incentibo pang ibinibigay tulad ng T-shirt at kung magkaminsan ay nagpapautang pa ang mga ito at walang hassles. Samantala, plano din ng PJ LLullier na magtayo ng buying station sa Mountain Province . Ngunit sa Sagada sila bibili ng ginto sa mga small scale miners din na may isang oras din na lalakbayin sa Bontoc, ang kabesira ng probinsiya ng Mountain Province. Samantala, napag alaman ng RPN News na bumibili ang PJ Llullier ng ginto na kanila din ibenebenta sa Bangko Sentral ng Pilipinas. (Rpn-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/Source: PIO Itogon)
