Baguio City: NTF-ELCAC pinapurihan ang munisipyo ng Besao, Mountain Province para sa matagumpay na proyektong pangkalsada

0
10
(Credit to PIA-Mt Province)

(Baguio City-Mt. Province)Pinapurihan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga lokal na opisyal, ang mga kontraktor at ang mga mamamayan ng Besao sa matagumpay na pagsasagawa ng Barangay Development Program (SBDP) projects sa naturang munisipyo. Ito ang sinabi ni NTF-ELCAC Director for Operations Arnulfo Ferdinand G. Bajarin sa ginanap na exit  conference kamakailan lamang. Sinabi ni ginoong Bajarin na dahil ito ay nagawa sa pamamagitan ng mabuting pamamahala. Kung inyong matatandaan ang mga opisyal ng NTF-ELCAC kasama nila ang  Regional and Provincial TF-ELCAC, ay nagsagawa ng pagmomonitor ng mga  SBDP projects sa  Barangays Ambaguio (Ambagiw), Agawa at Suquib sa  Besao, Mountain Province. Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng  pag aayos ng  farm-to-market roads sa  Barangays Ambaguio (Ambagiw) at  Agawa, at ang pagsesemento ng  farm-to-market road sa  Barangay Suquib. Ang mga nasabing proyekto ay pinunduhan sa ilalim ng  2024 SBDP at isagawa ng mas maaga sa taong ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIA-Mt. Province)

      30 –

 

 

Leave a Reply