Baguio City: May BUSINESS ONE STOP SHOP na sa BAGUIO CENTERMALL

    0
    12
    (Credit to PIO BAGUIO)

     

     

    (Baguio City) Ngayong taon, ang Satellite Business One Stop Shop for Business Permit Processing ay matatagpuan sa ikalimang palapag ng Baguio Centermall. Ito ay naayon sa kautusan ni Mayor Benjamin Magalong , na ang lahat ng opisina nasabihan na magpadala ng kanilang kinatawan upang tumulong sa may ari ng mga negosyo sa pag renew o aplikasyon ng permiso o permits.  Ang naturang lugar ay pinalakas ng  DITO, ang pagbibigay ng  remote access sa kanilang  eBPLS o ang (Electronic Business Permits and Licensing System). Ang pagbabayad ng buwis sa negosyo, para mga bagong aplikasyon at renewals—ay tinatanggap na sa naturang lugar.  Bilang karagdagan, ang mga ahensiyang nacional tulad ng  SSS, BIR, at  PhilHealth ay mayroon ng espasyo sa naturang mall upang magsilbi sa publiko para sa nasabing mga transaksyon. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO Baguio)

          30 –

     

    Leave a Reply