Baguio City – Sinabi ni Baguio City Police Office Director Police Col. Ruel Tagel ang nasabing tao ay nasasangkot sa isang away sa trapiko sa isang opisyal din ng ahensiya ng gobierno ng 9:10 ng Martes ng gabi noong Hunyo a 10 ng taong ito. Anya ang City Mobile Force Company ang nakasaksi sa nasabing insidente at ang kaso ay isinangguni sa BCPO Police substation 7.
Sa takbo ng imbestigasyon, napansin ng pulis na may hawak ng kaso, ang suspek na nagpakita ng tanda ng pagkalasing naging sanhi na dalhin niya ang lalaki sa ospital upang sumailalim ng Alcoholic Breath Test o ng AB Test na lumabas na positibo. Ito ang resulta sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Ang suspect ay kalaunan ay dinala sa Traffic Enforcement Unit-BCPO (TEU Office) para sa kaso ng reckless imprudence resulting in damage to property na may kaugnayan sa insidente ng trapiko sa isang opisyal. Sa kaugnay na balita, Ipinag utos ng bagong katatalagang Department of Transportation – Car Regional Director na si retired police Brig. General Glenn Dumlao na paalisin ang nagkamaling opisyal ng Land Transportation Office Baguio at palitan siya habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon.
Kamakailan lamang, ayon sa ulat, isang opisyal ng ahensiya ng pamahalaan ang umano ay nasakot sa isang away trapiko sa kanyang kapwa opisyal din ng ibang ahensiya ng pamahalaan sa isang daan sa lungsod ng Baguio. Sinasabi sa ulat ang pansamantalang tinanggal sa puwesto na opisyal ay diumano ay nasa ilalim ng influensiya ng alak noong nakapag away sa kapwa niya opisyal ng ibang ahensiya ng pamahalaan. Humaharap umano ang naturang opisyal sa paglabag ng Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. (RPN-Baguio/joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO Baguio)