Baguio: City government magpapatupad ng information drive ukol sa panganib ng E-cigarette o vape

0
31

Baguio City – Ang lokal na gobierno ng lungsod ay magpapatupad na ng mahigpit na kampanya laban sa masamang epekto ng E-cigarette o ng Vape. Ito ang ipinahayag ni Baguio City Health Services Sanitation Engineer Charles Bryan Carame sa ginanap na ugnayang panglungsod sa City Hall noong kamakalawa ng hapon.

Kasabay nito, sinabi ni Engineer Carame ang City Ordinance No. 34-2017, o ang Smoke-Free Ordinance ng lungsod ng Baguio ang batas na sumasaklaw sa pagbabawal ng paninigarilyo sa anumang porma nito.

Anya nagsimula ang lungsod sa naturang kampanya sa pakikipag ugnay sa samahan ng mga magulang at ng mga guro sa mga paaralan sa lungsod. Tulad ng pagpatupad ng naturang kampanya ang pagpapakita ng pagkakakilanlan kung ano ang kita at anyo ng vape o E-cigarette na tinatawag.

Kanyang sinabi na maari itong kumpiskahin ng mga pamunuan ng paaralan dahil ito ay nagdadala ng panganib sa kalusugan.

Sa ibang bahagi ng ugnayang panglungsod, sinabi ni Dr. Nelson Hora, ang medical officer ng Baguio City Health Services offices ang nagbigay diin sa mga sakit na makukuha sa paggamit nito na kapareho din ng paninigarilyo ng tabacco products tulad regular na sigarilyo.

Kalimitan anya ay cancer sa baga o sa bunganga o galagid at iba pa. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply