Baguio City Fire Station tumugon sa sunog na tumama sa Maharlika Livelihood Complex

0
23
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang Baguio Water District, mga pribadong water delivery services at mga tauhan ng Baguio City Fire Station ang tumulong na tumugon sa naturang sunog anya ni Baguio City Fire Station Fire Marshal–Marisol Hernandez Odiver.

Upang makapagbigay ng kaluwagan sa mga tinamaan ng ang mga manininda, iniutos ni Mayor Benjamin Magalong na makipag-ugnayan sa pamunuan ng Abanao Square.

Pinag-iisipan ng lokal na pamahalaan na ilipat pansamantala ang mga apektadong manininda sa open area sa taluktok ng naturang gusali.

Gumana ang lahat ng fire hydrant sa tulong ng Baguio Water District sa pamilihan ng lungsod sa mga oras na ang apoy ay naglalagablab sa ikatlong palapag ng Maharlika Livelihood Center.

Ito ang ginamit ng mga tauhan ng Baguio City Fire Station upang maapula ang sunog.

Ihinihayag ni Baguio City Fire Station Fire Marshal–Marisol Hernandez Odiver na ang sunog ay naapula sa oras ng alas 4;20 ng madaling araw ng July 16, 2024. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply