(Baguio City) Sinabi ni Comelec Regional Director Julius Torres na may isang nanalong kandidato sa pangkakongresista sa Benguet ang hindi pa naiproklarama sa nakaraang Eleksyon. Anya dahil sa may petisyon sa naturang opisyal na disqualification case at ang kaso ito ay nasa kanilang main office sa Maynila at wala sa kanila sa regional office. Sinabi pa ni torres na si Congressman Eric Yap ay mandato pa hangang June 30 bilang kinatawan ng Benguet. Ayon kay Comelec Regional Director Torres, kung hindi maipoproklama si Yap bilang kinatawan ng Benguet, may tinatawag na bakante ang position. Sinabi ni Torres, na hinihintay pa nila ang kanilang main office kung ano ang kinahihinatnan ng kaso kung pabor ba o hindi para kay Yap. Matatandaan na may nagsampa ng disqualification case laban sa nanalong kongresista tungkol sa kanyang diumano ay sa Pagkamamamayan o Citizenship at ang kanyang paninirahan o residency. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIA-CAR)
– 30 –
