Baguio City: Aktibidad ng squatting sa Gibraltar Baguio City napahinto

0
23
(Credit to PIO Baguio)

 

(Baguio City) Napahinto ng pamahalaang Panglungsod ang aktibidad ng Squatting sa isang lugar sa harapan ng isang hotel sa barangay Gibraltar. Sa ulat kay Mayor Benjamin Magalong, Sinabi ng Public Order and Safety Division ipinadala ang isang reklamo laban sa isang grupo ng tao na pumasok sa isang lugar na bahagi ng isang daanan at  pinananatili ito ng isang hotel at nagsimula sa kanilang pagbabakod.  Kinumpirma ng mga operatiba ng POSD ang ulat sa kanilang pagsasagawa ng inspeksyon kamakailan  lamang. Noong hinarap ng POSD ang mga ito, ang grupo ay nagpakita ng kopya ng tax declaration at  permiso na pumasok sa lugar ngunit hindi makapaglabas ng permiso sa pagbabakod.  Sila ay sinabihan ng operatiba ng POSD na itigil ang pagtatayo o construction ngunit tumingging umalis sa lugar na walang utos ang Korte. Pinayuhan ng CBAO ang naturang grupo na huwag na ipagpatuloy ang pagtatayo o construction dahil sa hindi sila pinapayagan na magtayo ng anumang struktura pansamantala dahil sa ang naturang lugar ay bahagi ng road right of way o isang daanan na “paksa ng isang pinagtatalo ang paghahabol.(RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/Source: PIO Baguio)

      30 –

 

 

 

 

Leave a Reply