(Baguio City) Tatlungpot mga barangay sa lungsod ng Baguio ang nabigyan na paunang pagsasanay sa pagpatay ng sunog sa pamamagitan ng mga tauhan ng Baguio City Fire Station (BCFS) na tumulong sa publiko sa kanilang kamalayan sa mga hakbang upang masugpo ang sunog. Ito ang sinabi ni Senior Fire Officer (SO) 1 Lloyd Ashley Forigay, ang public information officer ng Baguio City Fire Station. Sinabi ni Forigay ang kanilang ahensiya ay patuloy na magbibigay ng pagsasanay sa pagpatay ng sunog sa iba pang mga barangay upang mapalawak pa ang kanilang kamalayan sa pagsugpo ng sunog. Anya ang pagsugpo ng sunog ay ang alalahanin ng lahat kaya kailangan na magkaroon ng holistikong diskarte sa pagtugon sa nasabing bagay. Kanya rin na idinagdag ang paghihikayat sa mga kompanya na magtatag ng kani kanilang brigada sa sunog ay upang unang tumugon sa mga kaso ng sunog sa kani kanilang lugar at bahagi na rin ng tagapamatay ng sunog na maaring magamit upang maapula ito sa kanilang mga lugar. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO Baguio)
– 30 –
