(Baguio City-Bokod, Benguet) Hinikayat ng pamahalaang Bayan ng Bokod at Kabayan ang kanilang magsasaka ng kape na ipakita ang kalidad ng kanilang kape sa 2025 Bokod-Kabayan Coffee Quality Competition! Ayon sa mga opisyal ng dalawang munisipyo, ito na ang pagkakataon ng kanilang magsasaka sa kape na ang kanilang kape ay masuri ng mga experto at makakuha ng pagkilala sa industriya ng kape. Ang naturang kaganapan ay itinatag ng DTI Baguio-Benguet sa ilalim ng CARP Program, sa pakikipagtulungan ng Benguet State University at ng mga pamahalaang bayan ng Bokod at Kabayan. Ang huling araw ng pagsusumite ay entry sa buwan ng Abril 3, ngayong taon sa Opisina ng Municipal Agriculturist ng Bokod at Kabayan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO-BOKOD)
– 30 –