Baguio Botanical garden konseho ng siudad gagawa ng polisiya nito

0
10

(Baguio City) Hinihiling ng local na konseho ng Lungsod ng Baguio sa City Environment Parks and Management Office na gumawa ang nasabing opisina ng maliwanag ng panuntunan sa pagnenegosyo sa loob ng Baguio Botanical Garden.

Ito ay resulta ng reklamo ng mga concessionaires sa nasabing pasyalan laban kay Lawrence Mendoza, isa sa mga tenants sa Botanical Garden, dahil umano sa “non-compliance” at “unethical business practices.” Ayon sa ibang mga tenants, nagpatayo umano si Mendoza ng bagong stalls sa view deck ng naturang parke at ipina upa niya umano ng walang pahintulot sa lokal na gobierno. Sinabi nila nagpahukay pa ito sa ilalim ng restaurang nito na maaring maglagay panganib sa publiko.

Kinumpirma ito ng kinatawan ng City Building and Architecture Office (CBAO) na walang silang ibinigay na permiso para sa nasabing paghuhukay. Ipinahayag ng pinuno ng CEPMO na si Atty. Rhenan Diwas, na may nilabag umano si Mendoza sa operasyon ng restaurant nito. Samantala sinabi ni Diwas nakatakdang makipag usap sila kay Ginoong Mendoza upang masuri ang mga paglabag nito sa huli.

Sinabi niya na ang lahat ng contract of lease sa loob ng mga pampublikong parke ay naisumite nila sa lokal na konseho para makumpirma ng naturang tagagawa ng batas. Ngunit sa bahagi ng pag apruba at pagsubaybay ng mga gawain at serbisyo sa lahat ng pinangangasiwaan ng lungsod na mga parke kasama dito ang operasyon ng mga negosyo, sinabi ni Atty. Diwas na ipinalabas na executive order si Mayor Benjamin Magalong noong nakaraang taon na bumubuo ng parks management authority na binubuo ng mga city department heads.

Ang parks management authority ang itinalaga na gumawa at magrepaso ng lahat ng mga polisiya, at panuntunan para sa pamamahala ng mga parke at recreation areas ito sa lungsod ng Baguio at makipag ugnayan sa plano at paghahanda ng kabuoang konsepto at master plan ng lahat ng mga parke dito sa lungsod ng Baguio.

RPN-Baguio/Joel Cervantes

Photo Credit to SP Baguio City

Leave a Reply