25.1 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Baguio: Bilang ng mga turista na aakyat sa Mt. Pulag limitado

- Advertisement -

Kabayan, Benguet – Nananatiling limitado pa ang bilang ng mga hikers o umaakyat na pumupunta sa Mt. Pulag. Ayon kay Kabayan Municipal Mayor Florante Bantales Jr., ito ay dahil pa rin sa pandemya at nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang probinsiya ng Benguet dahil sa COVID 19.

Sinabi niya na dahil dito ay maiiwasan ang pagkasira ng mga damo doon na isa mga pantawag pansin ng naturang tourist spot. Sinabi ng Municipal mayor na 60 porsiento o 400 lang na mga hikers o umaakyat bawat araw na pwedeng papasukin sa Mt. Pulag. Anya noong wala pang pandemya, aabot sa 700 katao ang napapahintulutang umaakyat doon.

Samantala, ang apat na lawa ng kabayan kasama dito ang Incolos, Latep-Ngapos, Bulalacao at Tabeyo ay nananatiling bukas at patuloy na dinarayo ng mga turista. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kabayan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -