Baguio: BENECO nagbalik na sa pagiging Triple A Electric cooperative ng bansa

0
14
photo courtesy of BENECO

Baguio City – Ipinalabas ng National Electrification Administration (NEA) ang opisyal na 121 Elelectric Cooperative sa buong bansa at ang BENECO ay isa sa mga Electric Cooperative na ginawaran ng kamanghamanghang pagganap sa taong 2023 upang matamo ang katigorya naranasan nito bago ang taong 2020.o panahon ng pandemiya.

Ang ibig sabihin ng rating ay binibigyan ang BENECO ng mataas na antas nito sa larangan ng pananalapi, institutional, technical at audit performance. Ang NEA evaluation ay ginagawa taon taon.

Ayon kay Beneco General Manager Melchor Licoben na ang Triple A categorization ay resulta ng tulong tulong na gawain ng mga Board of Directors ng na mga mamahala at mga tauhan nito. Mas mahalaga, anya, ang patuloy na pagtitiwala at suporta ng mga Member-Consumer-Owners o ng MCO’s.

Ang pagbabalik sa dati nitong rating na Double A noon taong 2022 at sa category C noong taong 2021 ay noong ito ay sa kalagitnaan ng pandemia at problemang pampamunuan.

Ayon sa NEA Memorandum No. 2024-30 na may petsang Hulyo a 3, ng taong ito, ang BENECO ay isa sa walong Electric Cooperative na may maganda performance level sa lahat ng parametro.

Ang Electric Cooperative sa bansa ay binibigyan ng rating taon taon at klasipikasyon bilang kategoryang Triple A, AA, B, C at D, ang una ay ang pinakamataas.

Bago ang nangyaring ang pandemiya noong 2020, Ang BENECO ay isa sa mga kinikilalang top performing electric cooperatives o mga magagaling na Electric Cooperative ng bansa. Noong taong 2017, ito ay kinilala sa rating na Triple A. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: BENECO)

Leave a Reply