Baguio: BENECO hinikayat ang mga hindi pa bayad na MCO’s na magbayad ng kanilang minimum capital share contribution upang makaranas sila ng tinatawag na power subsidy

0
5
photo courtesy of BENECO

Baguio City – Hinikayat ng pamunuan ng Benguet Electric Cooperative or Beneco ang mga member consumers owners na hindi pa nagbabayad ng kanilang minimum capital share contribution na magbayad na upang makaranas sila ng power subsidy.

Para sa mga gumagamit ng kuryente na hindi nakakompleto ng kanilang capital share contribution, ang kanilang power subsidy ay mababalam o maantala hanggang sa makompleto nila ang kanilang share capital.

Kaya nga hinihiling ng Beneco accounting officer na si Benelita Linmipao na ang mga MCO’s na kompletuhin nila ang kontribusyon nila ng dalawang libong piso.

Anya ang mga kasapi na hindi pa nagbababyad ng anumang share capital ay hindi makikinabang ng power subsidy na inaalok ng Electric cooperative.

Ayon sa ulat ang BENECO ay mayroon mahigit na 144 libong miyembro nito, mahigit sa kalahati nito ang hindi pa nagbabayad ng kanilang share capital o nakompleto man lang ang minimum capital share contribution.

Kaya ang pamunuan ng BENECO ay nag isip nailagay ito sa premium yield account sa Bangko ang mga nakolekta nito bilang share capital habang nakabinbin pa ang pagbuo ng 25% paid up capital na aayon sa batas pangkooperatiba.

Simula noong Oktubre ng taong 2023, ang naturang electric cooperative ay nakakolekta na ng P32.6 milyong piso. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: BENECO)

Leave a Reply