Baguio: Beneco handa na sa pagkakonekta ng electric cooperative sa Command Center ng NEA

0
7
photo courtesy of BENECO

Baguio City – Handa na ang Benguet Electric Cooperative sa pagkonekta nito sa NEA’s Command Center sa lungsod ng Quezon na opisyal na ilulunsad ngayong araw ng Jueves. Ang “Digital Dashboard Command Center (DDCC)” ay isa sa pangunahing proyekto ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda na susubaybay sa pagganap ng 121 electric cooperatives sa buong bansa lalong lalo na sa panahon ng kalamidad.

Pinili ng NEA ang BENECO at ang Cebu Electric Cooperative (CEBECO) bilang pangunahing Electric Cooperative na kumunekta sa national dashboard.

Ang BENECO’s System Control and Data Acquisition (SCADA) system ay isa sa dahilan kung bakit nasama ang BENECO sa dashboard. Sinabi ni GM Melchor Licuben nakahanda ang kooperatiba at naroroon sila sa NEA sa paglulunsad nito na sasaksihan ng matataas na opisyal ng kagawaran ng Enerhiya.

Bago ito mangyari, sinabi ni General Manager Melchor Licoben at ang inhinyero ng network services department ng Beneco ay napag usapan na nila ang pagkakonekta ng naturang electric cooperative sa NEA National Dashboard. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply