Baguio: Bagong Regional Director ng PDEA–CAR mainit na tinanggap ni PRO-CAR Regional Police Brig. General David K. Peredo sa Camp Major Bado Dangwa

0
29
(Credit to PRO-CAR)

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Mainit na tinanggap ni PBGen David K. Peredo Jr., ang Regional Director of Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR), si Dir. III Derrick Arnold C. Carreon, ang bagong kauuupo upong Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR, sa kanyang pagbisita sa PRO-CAR Regional Headquarters, sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Sa panahon ng pagbisita, si PBGen Peredo, Jr, at DIR. Carreon ay nag-usap kung paano mapapalakas ang pakikipagtulungan sa pagitan ng PRO-CAR at PDEA-CAR.

Ang pag-uusap ang sumentro sa kahalagahan ng tuloy tuloy na pakikipag ugnayan sa pagpapatupad ng kampanyan ng pamahalaan sa kampanya laban sa illegal na druga at ang pagtugon sa mga gawaing criminal. Kasabay nito, ang pagbibigay diin sa kanilang pangako na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa rehion.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman si PBGen Peredo, Jr. ng kanyang taos pusong pagpapahalaga sa PDEA-CAR sa kanilang matatag na pagsama sama at pagtulong sa magkatuwang na operasyon, sa programa sa pagbuo ng kapasidad at sa iba pang mga inisyatiba.

Kanyang pinagtibay ang dedikasyon ng PRO-CAR na mas mapalawak pa ang kanilang pakikipagtulungan, kilalanin na may pinag-isang diskarte ay mahalaga upang matamo ang mahabang tagumpay sa kanilang nabahaging misyon na gawing ligtas at gawin na walang druga ang Cordillera. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-CAR)

Leave a Reply