Baguio: Babai na nanluko ng isang senior citizen sa Benguet nahuli

0
0

La Trinidad, Benguet – Matagumpay nahuli ng mga tauhan ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-Cordillera o ng RACU-COR ang babae na nagkunwang sa isang banyaga at marine engineer na may edad na 77 taong gulang sa babae, na residente ng munisipyo ng kabayan sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest. Batay sa report ng RACU-COR, nakilala ang nahuling ay si Janette Dagdag Poselero, nasa husto edad at residente ng Llanera, Nueva Ecija.

Base sa report ng RACU-COR, ipinakilala niya ang kanyang sarili na nagreklamo bilang isang American marine engineer naninirahan sa Connecticut, USA, at nangangalang David.

Nagtutuloy ang komunikasyon nila hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. Nanghingi umano ng pera sa biktima na gagamitin na pambili ng plane ticket at pagbayad ng placement fee upang makarating sa Pilipinas.

Batay sa report, umabot sa 563,000 pesos ang kabuuang halaga na ipinadala ng biktima kay Poselero sa pamamagitang ng dalawang banko. Bago nagpadala ng pera ang biktima, nalaman nito na siya niloloko kaya ito ay humingi ng tulong sa mga maykapangyarihan at nagresulta ito sa pagkakahuli sa nasabing suspek. Sa kasalukuyan ang suspek ay nakakulong at maaring humarap sa reklamong estafa.

Para pansamantalang makalaya ang suspek, kailangan niyang bayaran ang bail bond na nagkakahalaga ng 18,000 pesos. (Joel Cervantes, photo courtesy of PNP Benguet)

Leave a Reply