Baguio: Anim na pamilya sa Atok nabigyan ng “Pailaw Project”

0
17

Anim na mga pamilya sa sitio Loacan, Cattubo, Atok, Benguet ang huling makikinabang sa PAILAW PROJECT ng Benguet Provincial Police Office at ng Benguet Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development.

Mabibigyan ng solar panel at solar lights ang anim na pamilya sa probinsiya ng Benguet bilag benepisyaryo ng “Pailaw Project” ng Benguet Provincial Police Office (Benguet PPO) at ng Benguet Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development o ang PAGPTD.

Ito ay sa pamamagitan ng ilang buwan na pakikipag-ugnayan sa Benguet Provincial Police Office at ng Benguet PAGPTD sa mga makikinabang na mga residente ng Sitio Loacan Cattubo, Atok na sampung taon nang walang kuryente.

Ayon kay Rhodora Caga at Marife Campana, makakabasa ng mabuti ang kanilang mga anak lalo na sa gabi dahil sa mayroon na silang ilaw.

Maliban sa nasabing pamilya, kasama sa mga makikinabang ng programa ay ang pamilya nila Abraham Payaket, Teodoro Wayan, Jean Agmaliw at Ricardo Wayan.

Tulad ng ibang pamilya ,nagpasalamat din sila sa Benguet Provincial Police office at ng Benguet PAGPTD sa tulong na naibigay sa kanila.

(Joel Cervantes, photo courtesy of PPO Benguet)

Leave a Reply