Baguio: Ang pahayag ni Regional Director Cordillera Administrative Region sa mga nagawang trabaho ng kapulisan sa Cordillera

0
46
photo courtesy of PRO-COR

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Inihayag ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region na matagumpay ang kanilang isinagawang isang linggong operasyon laban sa illegal na druga.

Sa Katunayan anya ay humantong sa pagkakakumpiska ng P21.4 milyong pisong halaga ng druga at ang pagkakaaresto ng labing tatlong katao na sangkot sa illegal na druga.

Inihayag ni Regional Director, PBGen David K. Peredo, Jr, sa pagsasagawa ng 37 magkakahiwalay na operasyon, ang mga tauhan ng PRO-CAR ay nakasamsam ng 84,470 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana 1,500 piraso ng binhi ng Marijuana, 5,309.37 gramo ng dahon at fruiting tops o bunga ng illegal na tanim, 28,000 gramo ng tangkay ng Marijuana at 26.58 gramo ng hinihinalang shabu. Ang mga ito ay tinatayang nagkakahalaga ng PhP21,148,630.40.

Dahil naturang operasyon,13 katao ang nahuli. Sa mga nahuli, 9 ang itinuturing na mga high-value targets, habang ang apat napabilang sa tinatawag na street-level individuals.

Ang pinakamahalagang sa kanilang nasamsam ay naganap sa probinsiya ng Kalinga na kung saan ang mga operatiba ay nakagawa ng limang marijuana eradication operations, nagsagawa ng tatlong search warrants, at ang tumugon sa isang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na katao.

Sa naturang operasyon ay naging sanhi rin sa pagkakasamsam ng illegal na druga nagkakahalaga ng PhP14,060,840.00, kasama rito ang anim na bala ng baril.

Samantala, pinasalamatan ni PBGen Peredo Jr. ang mga operatibang sangkot sa matagumpay na operasyon sa pagsugpo sa illegal na druga sa rehion. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply