Baguio: Ang pagsunod ng mga Small Scale Miners sa mga panuntunan ng Gobierno, hiniling ni Mayor Bernard Waclin ng Itogon

0
7

Itogon, Benguet – Hiniling ni Itogon Mayor Bernard Waclin sa mga Small Scale Miners (SSM) na sundin nila ang mga panuntunan ng gobierno.  Ito ay kanyang binigyang diin sa ginanap na 1st Small Scale Mining Congress sa ITC Bua, Tuding kamakailan lamang.

Hinikayat din niya ang iba’t ibang Small Scale Miners Associations ng Itogon na magmalasakit sa bawat isa ganon din ng mga ibang barangay.

Matatandaan una nang sinabi ng Mayor na isa sa mga tinutukan niya ay ang win-win solusyon para sa mga minero kung saan ang hindi pagkasira ng kapaligiran dahil sa pagmimina.  Samantala, ang unang Small Scale Congress ay may tema: “Responsible Mining: Its Contribution to Economy while Sustaining Human Health and Environment.”

Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Council (MENRC) sa pamamagitan ng opisina ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Dax Godio. Napag usapan ang responsibilidad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Local Government Unit.

Ganon din ang naganap na lecture para sa The People’s Small-Scale Mining Act of 1991, Ang responsableng paggamit ng chemicals, impacts on water bodies, air at climate change; solid waste management; enforcement ng batas at mga regulasyon para sa Small-Scale Miners, safety measures at iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

Leave a Reply