31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Baguio: Ang paghingi ng tulong sa pamamagitan ng solicitation, kailangan na kumuha ng permit mula sa DSWD

- Advertisement -

Baguio City – Ito ang binigyang diin ng Department of Social Welfare and Development-CAR na hindi masama ang humingi ng tulong pinansial ngunit kailangan ng permit o permiso.

Ayon kay Ms. Clarrisa Padio ng Standards Section ng DSWD-CAR, Marami naman umanong mga indibidual o ng grupo na nagbibigay ng solicitation letters para sa iba’t ibang layon  na maaring  lehitimo at  hindi lang isang klaseng pangloloko na gawain at dapat na kumuha lang ng permiso o permit sa naturang ahensiya.

Dito ay kailangan nilang mag sumite ng dokumento upang mapatunayan na ang paggagamitan ng malilikom na pera. Sinabi ito ni Ms. Padio dahil marami umano ang mag sosolicit o nanghihingi dahil sa panahon ng kapaskuhan sa susunod na buwan.

Kanyang binigayang diin na anumang ang kaparaan ng paghingi ng tulong tulad ng concert for a cause, coin bank, letter of appeal, busking o ang pagperform sa larangan ng musika, art at ng iba pa, na makikilala ang benepisiaryo ay kinakailangan ng permit o permiso mula sa nasabing ahensiya.

Anya ang permit o permiso ay maaring kunin sa opisina ng City o ng Municipal Social Welfare and Development, Provincial Social Welfare and Development, o ng DSWD-CAR depende sa lugar kung saan gaganapin o ang pagbibigyan ng solicitation. (Joel Cervantes, photo courtesy of DSWD-CAR file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -