Sunday, May 12, 2024

Baguio: Ang natuklasan na bitak sa Lion’s head ay hindi malaking panganib ang nasabing istruktura

- Advertisement -

Ang non-structural na bitak sa mukha ng Lion’s Head sa Kennon Road ay hindi nagbibigay panganib sa nasabing istruktura, ayon sa City Buildings and Architecture Office (CBAO). Base sa ulat ng naturang opisina sa pangunguna ni City Building Official Arch. Johnny Degay noong Hunyo a 9, 2023, ang nasabing bitak ay hindi magdudulot ng panganib sa integridad ng istruktura.

Ayon kay Engr. II Frederick Dulo ng CBAO Building Management Division, base sa kanilang pananaliksik ang bitak o crack sa ibabang bahagi ng mukha ng estatwa ay sa ibabaw lang ang bitak at hindi naapektuhan ang loob nito. Ipinaalam nila na nakatakdang magsagawa ang CBAO ng patching at painting work sa nasabing bitak na bahagi ng istruktura. Kung inyong matatandaan, ang Baguio City Host Lions Club ang unang nag ulat na magsasagawa sila ng pagkukumpuni ng naturang monument upang matiyak ang integridad nito.

Ayon sa Baguio City Host Lions Club, ang 40-foot Lion’s Head monument ay pinaplano ng Lions of Baguio noong mga 1960s at pormal binuksan sa publiko noong 1972. Nakaukit ito sa natural limestone sa Kennon Road at naging tanyag na landmark ng lungsod ng Baguio.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Public Information Office Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -