Baguio: AIDS Candlelight Memorial event isasagawa sa Burnham lake ngayong araw

0
6
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang kasapi ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) Watch Council (AWAC) ang mga mangunguna sa taunang paggunita ng AIDS Candlelight Memorial sa ngayong araw, Mayo 10, sa lungsod ng Baguio.

Ang tema sa taong ito sa pagunita ng AIDS Candlelight Memorial ay “Put People First: Kandila ng Pagkalinga, Liwanag ng Pag-asa,” sa pag alaala sa mga nakuha ng AIDS pandemic.

Isasagawa ang mga kaganapan tulad ng press conference na pangungunahan ng Philippine Information Agency Cordillera sa pamamagitan ng livestream broadcast sa mga social media pages ng naturang ahensiya at ng Baguio City Public Information Office.

Isang maikling programa ang isusunod sa Burnham park lake sa oras ng alas singko ng hapon na may kasamang pagsisindi ng kandila bilang paggunita ang palulutangin sa lawa at napapaligidan ng mga Bangka na inarkila ng bars and night society o ng bans.

Sila ay magsasagawa din ng pagsisindi ng kandila.

Kung inyong matatandaan na bawat Mayo simula pa noong taong 1983, ang AIDS Candlelight Memorial ay isinasagawa na taon taon upang itaas ang kamalayan sa sexually-transmitted disease na nagiging sanhi ng Human Immunodeficiency Virus o ang HIV. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply