Baguio: Adivay Trade Fair sa Wangal, La Trinidad, Benguet, pormal nang nabuksan

0
25

La Trinidad, Benguet – Pormal na binuksan noong November 12, 2022 para sa madla ang a Adivay Trade fair sa Wangal, La Trinidad, Benguet hanggang Nobyembre 26, 2022.

Ayon kay Lucia Kisim, ang Chairperson ng Trade Fair Committee, aabot sa 112 exhibitors /traders ang sumali sa trade fair. Sinabi niya na mga exhibitors mula sa probinsiya ng Benguet, Baguio City at mayroong pang galling sa kalapit na lugar tulad ng La Union, Pangasinan at Ifugao.

Ang mga makikita sa nasabing trade Fair ay ang mga ready to eat foods, process foods, woven products and accessories, dry goods, woodcarving and furnitures at iba pa.

Sa mensahe ni board member Marie Rose Fongwan Kepes, hinikayat niya ang madla na bumisita at bumili ng iba’t ibang produkto bilang pagsuporta sa mga negosiante. Kanyang idinagdag na ang Trade fair ay hindi lamang sa pagkakakitahan kundi ito rin ay pagkakita kita ng mga mamamayan ng probinsiya matapos ang dalawang taon na nahinto ang mga Gawain ng Adivay Festival dahil sa mga pagbabawal ng Covid -19. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Benguet)

Leave a Reply