Baguio: 6 na mga probinsya sa Cordillera nabigyan ng mga bagong ambulansiya

0
3

Luna, Apayao – Nabigyan ng tag isang Patient Transport Vehicle Ambulance ang mga anim na probinsiya dito sa rehiyon Cordillera. Ito ay kasabay sa ginanap na ika -36th pagdiririwang ng araw ng Cordillera sa Luna, Apayao.

Ang mga naturang ambulansiya ay unang donasyon ng Philippine Charity Sweepstake sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ang mga ambulansya ay malaking tulong sa larangan ng serbisyong pangkalusugan ng iba’t ibang  probinsya sa rehiyon.

Ang mga nakatanggap ng ambulansya ay ang probinsya ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mt. Province. Ang ambulansya ay tinanggap mismo ng mga provincial governors mula sa PCSO. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIA Cordillera)

Leave a Reply