Baguio: 4928 Piraso ng illegal na paputok sinira sa lungsod ng Baguio

0
10
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City – May kabuan sa  4,928 piraso ng mga nakumpiskang o isinukong illegal na paputok ang sinira sa kalupaan ng Melvin Jones dito sa lungsod ng Baguio noong huling araw ng disyembre noong nakaraang taon. Ito ay sinaksihan at pinamunuan nila Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) Regional Director PBGen David K. Peredo, Jr., kasama din niya si City Mayor Benjamin Magalong  at si Baguio City Police Office City director na si PCOL Ruel Tagel, ang seremonya ng pagsira ng iba’t ibang klase na mga paputok sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig at ang pagsagasa ng mga ito sa pamamagitan ng truck. 

 

Ang naturang seremonya ay ang pagbibigay diin ng pamahalaan kontra sa paggamit at paglaganap ng mapanganib na mga paputok.   Samantala,  sa isang panayam kay PRO-CAR Regional Director PBGEN David Peredo Jr., sa kalupaan ng Melvin Jones Grounds noong  Disyembre a 31, noong nakaraang taon. Inulat  ni PBGEN Peredo, Jr., ang pagtataga ng mga pulis sa lahat ng bahagi ng rehion sa panahon ng pagdiririwang ng kapaskuhan at bagong taon. 

 

Kanyang itinuon sa pagsira ng mga nakumpiska na mga illegal na paputok tulad ng  boga (improvised cannons), at ng iba pang mapanganib pyrotechnic devices,at ang pagbibigay diin sa pag alis ng mga ito bilang pangunahing hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng kapaskuhan at ng bagong taon. 

 

Samantala, ang  PRO-CAR Regional Director ay nagpahayag ng taos puso nitong pagbati sa lahat ng masaganang bagong taon na punong puno ng kaligayahan at katagumpayan. Kasabay nito ay nagpasalamat din siya sa pagtulong ng publiko sa nakabahaging pananaw ng isang  mabuting Kordillera at lalo pa sa taong 2025. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)

 

Leave a Reply