Baguio City, Benguet – Libu libong mga taga probinsiyang Benguet at maging ng mga taga lungsod ng Baguio ang dumalo upang ipagdiwang ang ika 124th anibersaryo ng pagtatag ng probinsiya ng Benguet sa Benguet Sports Complex (BSC) noong araw ng Sabado.
Nagkaroon ng sayawan ng katutubong Benguet, pag awitan, ang paglalahad ng estorya at ang pagsalo salo ng ‘watwat’. Bago yan, pinangunahan ni Gobernador Dr. Melchor Daguines Diclas ang pagsasayaw ng Tayaw sa Benguet Sports Complex sa Wangal, La Trinidad.
Kasabay nito ang Gobernador ay nagpasalamat sa makapangyarihang Diyos at maging sa lahat ng dumalo upang maging matagumpay ang pagsasagawa ng Adivay ngayong taon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Benguet)
