Baguio: 166th Malasakit Center inilunsad sa Kalinga

0
18
photo courtesy of Office of Sen. Bong. Go

Kalinga Province – Ang tulong medikal ay mas abot at madaling makuha ng mga mamamayan ng Kalinga sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Kalinga Provincial Hospital (KPH). Ito na ang ika-166th Malasakit Center sa bansa at ang ika 7 sa rehion Cordillera.
Ang Malasakit Center ay nagbibigay ng one-stop shop para sa mga pasyenteng walang pera na maari silang nakahingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sa Department of Health (DOH).

Ang Malasakit Centers ay itinatag sa pamamagitan ng Batas o Act of 2019 na akda ni Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go, upang tugunan ang isa sa mga hadlang sa kalusugan ng mga Filipino lalong lalo na sa mga mahihirap at kapos palad.

Ito ay ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire. Anya ang “bawat Pilipino na nagkakasakit, kailangan dumaan sa butas ng karayom para makakuha ng tulong na kinakailangan nila kapag sila ay walang pera, sa madalas ang ating mga kababayan hindi nalang sila magpapagpatingin, hindi nalang sila pumupunta sa mga doctor dahil wala silang pambayad sa doctor,”

Si Secretary Vergeire ang nanguna sa paglulunsad na seremonya nito noong Hulyo a 16, 2024. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: DOH-CAR)

Leave a Reply