Baguio: 1,000 na mga mamamayan ng Bakun, Benguet nakinabang sa Arangkada Payout Program

0
29

Bakun, Benguet – Umaabot sa 1,000 mga mamamayan sa Bakun ang nakinabang sa Arangkada pay-out ng Benguet Congressional Office. Bawat benepisaryo ay tumanggap ng limang libong piso bilang tulong finansial.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga magsasaka, manggagawa ng transportasyon at kabilang ang nasa informal sector.

Ang nasabing tulong finansial ay nakahandang pondo ng Department of Social Welfare and Development upang tulungan ang mga mamamayan.

Ang pay-out ay personal pinangunahan ni Benguet Congressman Eric Go Yap at Mayor Bill Raymundo.

Naniniwala si Congressman Yap na mayroong pang susunod na mabibigyan ng tulong finansial upang ang lahat ng mga pamilya ay makinabang sa mga programa ng national na gobierno at maging ng programa ng opisina ni Congressman Yap. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Bakun)

Leave a Reply