Bagong water concession agreement posibleng ilabas sa loob ng 6 months —DOJ

0
9

Posibleng ilabas na sa loob ng anim na buwan ang bagong water concession agreement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Manila Water at Maynilad.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, nakapaloob sa bagong kontrata ang pagdagdag sa kapangyarihan ng regulatory office ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Dagdag pa rito, hindi na rin maaaring ipasa sa mga consumers ang ilang gastos ng mga water concessionaires, kabilang dito ang business tax, concession fees, death service payments at maging ng corporate income tax.

Samantala, kung hindi ito mapagkakasunduan ng dalawang panig ay maaaring bawiin ng gobyerno ang management ng water supply mula sa mga ito.