Bagong water concession agreement dapat isapubliko —Bayan Muna

0
17

Nais ng mga progresibong mambabatas na isapubliko ng Malacañang ang bagong water concession agreements sa Manila Water at Maynilad water services.

Ayon kay Bayan Muna Partylist representative Carlos Zarate, dapat makita ng taumbayan kung talagang tinanggal na ang sinasabing ‘onerous provisions’ sa bagong kontrata.

Sinabi ni Zarate na hindi dapat maging shotgun deal ang bagong kontrata.

Kung nais aniya ng pangulo na ibalik sa pamamahala ng pamahalaan ang water sector, dapat gawin na niya ito ngayon at huwag gamiting panakot sa Manila Water at Maynilad.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kapag hindi tinanggap ng Manila Water ang bagong kontrata ay mapipilitan ang pangulo na kanselahin ang kanilang concession agreement.