Bagong hukom na hahawak sa isa sa mga kaso ni De lima itinalaga ng SC

0
12

Nagtalaga ang Korte Suprema ng bagong hukom sa Muntinlupa Regional Trial Court  Branch 256 na humahawak sa isa sa tatlong drug cases ni Senador Leila De Lima.

Batay sa direktiba ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, hahawakan ni Judge Grace Chavez-Ty ang Muntinlupa RTC Branch 256 nang hindi lalampas sa 6 na buwan.

Una nang lumiham si De Lima sa Korte Suprema at hiniling ang appointment ng bagong hukom dahil tumanggi ang acting Presiding Judge na dinggin ang kanyang kaso.

Gayunman, nilinaw ni Court Administrator Midas Marquez na bago pa sumulat si De Lima ay talagang ikikunsidera na nilang ilipat si Judge Chavez-Ty dahil natambakan na ng kaso ang branch 256.