Bagong gusali ng BCPO Station 9 sa Irisan, Baguio City, uumpisahan na

0
4
photo courtesy of BPCO

Baguio City – Uumpisahan ang pagtatayo ng bagong estacion ng pulis ang substation 9 ng Baguio City Police Office o BCPO. Ito ay itatayo sa purok 12 sa nasabing barangay kasunod ng ginawang groundbreaking ceremony na ginawa noong Martes.

Ayon kay Police Captain Carl Von Malamnao, ang hepe ng BCPO substation 9 na ang ipapatayong bagong estacion ng pulis ay nasa 300 metro kuadrado na lote na donasyon sa kanila.

Ang pondo na gagamitin sa naturang estacion ng pulis ay aabot sa 20 milyong piso. Inaasahan na mas mapapaganda ng mga taga police substation 9 sa kanilang pagseserbisyo sa kanilang nasasakupan dahil sa ang bago nilang opisina ay itatayo sa setro mismo ng Irisan.

Samantala sinabi ni Irisan Punong Barangay Arthur Carlos mas pabor sa kanila ang pagkakatayo ng opisina ng police substation 9 dahil sa mas marami silang matatanggap na klyente at mas mabilis ang pagbibigay nila ng serbisyo.

Samantala, nagpasalamat si BCPO City Director Police COL Francisco B. Bulwayan, Jr., sa mga gumawa ng hakbang upang matagumpay na kumuha ang lote ng Police Substation 9. Nagpasalamat siya sa Barangay Irisan, sa City Environment & Natural Resources Office (CENRO), sa City Engineering Office (CCEO), sa City Planning, Development, and Sustainability Office (CPDSO), sa Department of the Environment & Natural Resources-CAR (DENR-CAR), sa PROCOR Regional Headquarters, at lokal na pamahalaan ng lungsod ng Baguio.

Anya punong puno ng pagpapasalamat na ang Baguio City Police Office ay nabigyan ng pagkakataon na magpatayo ng sarili nitong estacion ng pulis.

Sa nasabing seremonya, ang hepe ng PROCOR Regional Logistics Resource and Development Division (RLRDD), na si PCOL REGUEL B SANTAMARIA, nagbigay ng pangkahalatang ideya sa naturang proyekto sa pamamagitan ng pagpapakita ng panukalang design at budget para sa pagtatayo ng naturang estacion ng pulis. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: BPCO)

Leave a Reply