Ayuda mula sa DOLE at LGU ng Baguio City para sa mga Pony Boys sa Wright Park, ibinigay

    0
    7

    Baguio City – Tuwang tuwa si Darwin Alquizar, ang Presidente ng Wright Park Pony Boys Association sa tulong na ibinigay sa kanila ng Department of Labor and Employment (DOLE) nung December 27, 2022.

    Ayon sa kanila, nakatanggap sila ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng 1 million pesos mula sa nasabing opisina at sa tulong ng lokal na gobierno ng Baguio.  Anya magagamit nila ang nasabing tulong para sa pagbili ng karagdagang kabayo at mga pagkain ng mga ito.

    Sinabi niya na naging malaking problema ang pagbangon nila mula sa Pandemya ganon ang ilang mga kaso ng pagkakasakit ng kanilang mga kabayo. Kanyang sinabi na pamamagitan ng tulong naibigay sa kanila ay unti unti silang makakabawi mula sa pagkalugi lalo na ngayon na may unti unti na silang kinikita mula sa mga turista dito sa Baguio.

    Nagpasalamat sila sa DOLE at sa lokal na gobierno sa patuloy na pagsuporta sa mga pony boys lalo na sa iba’t ibang proyekto na naibigay sa kanila. Ito ay pinakabibilangan ng livelihood assistance na naibigay sa kanila at ang covenient store at ang organic fertilizer production.

    Samantala, naganap ang MOA signing at awarding ng certificates ng nasabing livelihood assistance para sa mga pony boys sa Barangay Lualhati Covered Court na dinaluhan nila DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, DOLE CAR Regional Director Nathaniel Lacambra, City Mayor Benjamin Magalong, ang mga undersecretaries ng DOLE, miyembro ng Wright Park Pony Boys at ng iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)

    Leave a Reply