Arms cache ng NPA nadiskubre sa Zamboanga Del Sur

0
54

Nadiskubre ng mga militar ang isang arms cache ng New People’s Army o NPA sa Zamboanga Del Sur.

Ayon kay 10th Infantry Battalion Commander, LT. CoL. Ray Tiongson, partikular na nadiskubre ang taguan ng armas sa Barangay Pelukuban sa bayan ng Tambulig.

Aniya, may nakapag timbre sa kanila ng impormasyon kaugnay sa pinagtataguan ng mga armas ng NPA.

Ilan sa mga nakuha ay dalawang M-16 armalite at dalawang M-14 assault rifles at walong empty magazines para sa M-14.