Apela ni Cavite gov Remulla na isama ang mga ‘middle class’ sa social amelioration progra sinang-ayunan ni Duterte

0
19

Makatwiran naman ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibilang ang mga pamilya na nasa ilalim ng middle class o mayroong middle-income sa social amelioration program ng pamahalaan.

Ngunit sinabi ng pangulo na gustuhin man niyang isama ang lahat sa nasabing ayuda na ipapamahagi ng pamahalaan, kulang ang pondo sa ngayon.

Gayunma, sinabi ng pangulo na kaniyang titingnan ang lahat ng paraan na maaari niyang gawin upang lahat ay maabutan ng tulong ngayong karamihan ng hanapbuhay ay apektado ng lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una rito, ipinahayag sa pamamagitan ng isang open letter ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang kaniyang apela sa pangulo kung bakit marapat din na isama ang mga pamilyang nasa middle class sa ayuda ng pamahalaan.