Apat na pulis ang nakatanggap ng Medalya Ng Kagalingan mula sa opisyal ng lungsod ng Baguio

0
6
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang mga nabigyan ng medalya ng Kagalingan ay sila – Police Captain Nelson Safangan at Police Senior Master Sergeant Marzan Saguid para sa kanilang napakahalagang serbisyo na kanilang ginawa para matagumpay na pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isang tao na may kaso ng na may rekommendadong piyansa ng Php 300,000 sa San Luis Barangay noong Marso a 12 ng taong ito.

Habang sila Police Captain George Juliano, Jr. at Police Corporal Cecilia Talla ay naparangalan din ng “Medalya ng Kagalingan” para sa kanilang serbisyo na ginawa upang maisilbi ang warrant laban sa isang tao nakatala bilang No. 9 Top Most Wanted Person, at sa City Level, para sa ika 2nd Quarter ng taong ito para sa kaso ng Statutory Rape sa Gov. Pack Road, lungsod ng Baguio noong Abril a 4, ng taong ito.

Nabigyan din ng kaparehong parangal sila Police Captain Dick Mantiling at Police Staff Sergeant Albin Pecsoy para sa matagumpay na pagsisilbi ng warrant laban sa isang indibidual naitala bilang No. 7 Top Most Wanted Person at sa City Level, para sa unang Quarter ng taong ito sa kaso ng Statutory Rape lsa Camp 7, lungsod ng Baguio noong Marso a 16, ng taong ito.

Ang kanilang medalya ay pormal na ibinigay nila Mayor Benjamin Magalong, Bise Mayor Faustino Olowan at ng mga miyembro ng konseho ng lungsod sa panahon ng Monday Flag Raising Ceremony sa bakuran ng Baguio City Hall. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe

(Source: PNP Baguio PIO)

Leave a Reply