Año kinumpirmang kasama si Espenido sa drug watch list

Año kinumpirmang kasama si Espenido sa drug watch list

by Powered by DWIZ
29 views

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kasama si p/Lt. Col. Jovie Espenido sa drug watch list ng pamahalaan.

Ayon kay Año, kabilang si Espenido sa 357 opisyal ng pulis na iniimbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Ibinunyag rin ng kalihim, na alam ni Pangulong Duterte ang pagkakasangkot ni Espenido sa illegal na droga.

Samantala, dadaan sa validation at imbestigasyon si Espenido.

Matatandaang naging kontrobersyal si Espenido bilang isa sa mga poster boy sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga na pinapaboran ni Pangulong Duterte.

0 comment

Related Posts