11 distressed OFW mula Dubai nakabalik na ng bansa

11 distressed OFW mula Dubai nakabalik na ng bansa

by Powered by DWIZ
41 views

Nakabalik na ng bansa ngayong araw ang 11 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Dubai.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay, pumunta ang mga distressed OFW’s sa Dubai upang magtrabaho ngunit hindi naging maganda ang sitwasyon nila dito kung kaya’t nagpasailalim ang mga ito sa repatriation.

Aniya, pansamantalang nanirahan ang mga ito sa Philippine Consulate General Office sa Dubai bago ito napauwi ng Pilipinas.

Samantala, sinagot naman ng pamahalaan ang kanilang mga exit visa fee’s, immigration penalties at airfare.

0 comment

Related Posts