Ang Hepe ng Baguio General Hospital and Medical Center, nanawagan sa gobierno National

0
8

(Baguio City) Nanawagan si Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) Chief Dr. Ricardo Runez, Jr sa pambansang gobierno na magbigay sila ng kinakailangang accreditation para sa training programs ng mga Ospital sa hilagang Luzon.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan nito ay mas marami pang mamamayan ang matutulungan niya ng serbisyo medikal idito sa hilangang Luzon. Sinabi niya na malaking tulong sa kanila ang training programs para sa pag unlad ng mga ospital at makakatulong din ito sa  manpower ng lahat ng  probinsya sa  Northern Luzon. Sinabi niya na maliban dito ay maipaparating din ang serbisyo medical sa malalayong lugar bilang mandato ng Universal Health Care accessibility.

Kanyang inihalimbawa BGHMC na kailangan ng karagdagang specialist ng Iba’t ibang karamdaman katulad ng pasyiente ng Kanser.

Sinabi niya na 18 oncologist ang nanggagamot ng mga cancer patients at aabot sa 80-90 ang pasyente nila bawat araw. Inaasahan niya na patuloy ang pagsuporta ng kanilang central office sa pagkakaroon ng heart, kidney, lung ken cancer services para maibigay ang supporta sa training programs.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Leave a Reply