35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

AIM-Antonino Wing, Inakusahan Ng ‘Dirty Politics’ Ng Ex-Party Official

- Advertisement -

General Santos City – Tinawag na “dirty politics” ng isa sa mga naging haligi ng local political party na Achiever’s with Integrity Movement (AIM) ang lumabas na social media poster ni former City Mayor Darlene Antonino-Custodio, kung saan, kasama sa background nito si former South Cotabato Rep. Pedro B. Acharon Jr. Ayon kay City Councilor Richard Atendido, malinaw na gusto lamang ng mga nasa likod ng naturang propaganda, na guluhin ang kasalukuyang line-up ng mga former AIM members na nasa kampo na ngayon ng Pacquiao-backed People’s Champ Movement (PCM).

Si Atendido ang minsa’y naging standard bearer ng AIM sa mayoralty race sa lungsod. Maaalala na tumiwalag na ang grupo ng mga Acharon sa AIM-Antonino wing, matapos na hindi kinilala ng mga Antonino ang ginawang pakikipag-alyansa ng mga ito sa grupo nina Senator Manny Pacquiao.

“Mao nang ginatawag nato nga “palubog”. Gusto nako ipahibalo nga ang Facebook page ni Mam Darlene, dili siya ang gagunit ana. Naay naga-gunit ana nga gusto lubugon,” ang naging paglilinaw ni Atendido. Ilang araw bago ang paghahain ng certificate of candidacy, umugong ang mga balita na planong pagbabalik ng mga Antonino sa local political scene, makalipas ang mahigit siyam na taon na pananahimik nito.

Taong 2013 nang matalo si Antonino sa kaniyang re-election bid, sa noon ay No. 1 city councilor na si Ronnel Rivera. Dagdag pa ni Atendido, batay sa huling pag-uusap nila ni Acharon, nanatili ang suporta at commitment nito sa mga former AIM members na kaalyado ng Pacquiao group. “It’s a dirty politics.

Wala gyud ko nag-expect nga ing-ana ang ilahang buhaton.

Definitely, walay nabago sa desisyon, kay wala pay 12 hours nga nag-istorya mi ni Cong Jun.”

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -