Aga Muhlach nagsalita na sa kanyang pagkatalo sa Best actor award sa MMFF

0
27

Hindi ikinadismaya ni Aga Muhlach ang pagkatalo niya kay Allen Dizon bilang best actor sa kakatapos lamang na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Magugunitang nanguna sa box-office race ang pelikula na kanyang pinagbibidahan na Miracle in cell no. 7.

Ayon sa aktor, hindi naman aniya itinatanggi na gusto niyang manalo ngunit sa kanyang itinagal sa industriya ay natuto na aniya siyang hindi umasa.

Masaya rin aniya si Aga sa pagkapanalo ni Dizon, dahil alam niya ang pakiramdam kapag nanalo.