AFP at PNP suportado ang pagkakatalaga kay Guerrero sa BOC

0
62

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagkakatalaga kay outgoing Marina Administrator Rey Leonerdo Guerrero bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, personal na siyang nagpa-abot ng pagbati kay Guerrero.

Tiwala rin si Galvez na magagampanan ni Guerrero ang kanyang bagong tungkulin bilang BOC chief dahil ito aniya ay matalino, tapat at istrikto ngunit may puso sa kanyang ginagawa.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana na malaki ang magiging tulong ng mga karanasan ni Guerrero sa AFP at bilang security official sa pagpapatupad ng reporma sa BOC.