ABS-CBN nagpasalamat sa suporta mula sa publiko

0
19

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa publiko dahil sa pagbuhos ng suporta na kanilang natatanggap mula sa mga Kapamilya simula ng matigil ang operasyon ng media network.

Sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, sinabi rin nito na umaasa sila sa agarang aksyon ng Kongreso hinggil sa nakabinbing mga aplikasyon para sa kanilang franchise renewal.

Kasabay nito nagpasalamat din ang ABS-CBN para sa mga ginawang hakbang ng Kamara at Senado para  matiyak ang sana’y patuloy nilang operasyon habang dinidinig pa ang kanilang franchise renewal.

Bilang pagtatapos ng ABS-CBN muling nagpasalamat ito sa pubilko kung saan sila umano ay nakatagpo ng kalakasan at inspirasyon sa kabila ng hinaharap ngayong pagsubok.